Ok so ang tagal kong hindi nanaman nagupdate.haha.sorry naman.sobrang tamad ko kasi eh lalo na this summer. so ayun.nagstart na yung klase. first day was ok pero SUPER INETT! As in SUPERR. Umaga palang malagkit na ko agad :c haha. Pero masaya naman kasi nakita ko na ulit si Ikay and Anneü And syempre sabi ng dati kong classmates na mukha daw akong tibo dahil sa buhok ko :c Oh well,mas nagmukha naman akong gwapo eh :))
So ayun,habang umaakyat ako sa stairs naisip ko bigla 'Uy,sa 3rd floor na pala ako!Haha' kaso pagtapak ko sa 3rd floor sobrang pagod na ko.ok ang OA. pero hindi lang tlga ako sanay na umakyat sa 3rd floor lalo na sa umaga. Eh pag umaga inaantok pa ko.tapos parang kulang nalang ata ay pumikit ako habang naglalakad at umaakyat sa stairs. kasi naman kasi eh. ang taas ng 3rd floor!haha. kamusta naman kasi diba naman?haha :p sorry ang weird ko. So ayun, nakaakyat na ko ng 3rd floor pumunta na ko sa classroom ko at pagtingin ko konti palang ang tao. siguro mga 3 or 4 palang. so ayun. inisip ko kung san ako uupo tapos umupo na ko dun. wala akong magawa so pumunta ako sa cr at doon muna tumambay siguro mga 5+ mins yun..so parang ang weird na kasi ako lang magisa sa cr at ang tagal tagal ko dun kaya lumabas na ko ng cr. bumalik ako sa classroom at umupo ng sandali. nakita kong naglalakad sila magic sa may corridor so pinuntahan ko sila. after ilang seconds dumating na si Ikay. pumunta kami sa classroom nila. tapos yun.nagbell na tapos pumila na kami sa classroom. pumunta kami sa covered court kasi may assembly. tapos umupo na kami sa bleachers:) Yay!Ang babaw.Haha.pero nalaman ko na ang init pala dun! parang tinutusta yung likod namin.haha.pero we survived naman. after the assembly bumalik na kami sa classroom namin. muntik na kami pumunta sa 2nd floor dahil nakalimutan namin na sa 3rd floor na kami.haha. so yun. Anne was like 'Sa third floor tayo. second floor palang 'to' haha. So yun..nakakapagod umakyat-baba sa 3rd floor.Tss.
After recess nameet na namin yung adviser namin. Si Ms. Miranda. Superr bait niya. Cool-iest adviser,i guess. Hmm..Ay hindi! Cool-iest pala si Ms. Amon.Hehe. She was our adviser back when we were grade5. Super bait,patient and cool. Pero ewan. Parang pantay lang sila ni Ms. Miranda. Haha:)) Ang gulo ko. Sorry naman. So ayun. And guess what? Co-ad namin si Sir Macky. Hindi naman sa ayaw ko sakanya pero nung nameet namin siya parang ang boring. Hehe. He told us that he is happy to be our co-ad with matching blank face. Kamusta naman yun,diba? So ayun..Nameet pa namin yung iba naming teachers. Too bad hindi namin Pinoy teacher si Ms. Gino. ang galing pa naman niya magturo. And too bad hindi namin Relgion teacher si Sir Naig. ang saya pa naman niya magturo. Not that i'm against our Pinoy&Religion teacher. I'm still thankful that our Religion teacher isn't Sir DM.haha.Ang sama eh noh?
Sana ma-enjoy namin yung Junior year namin:)
Currently listening to: Exceptional-Jojo
Currently feeling: weird